5 Power Tools na Kailangan mo sa Bahay

Joanna Marie Santos

October 25, 2022

article image

Kapag may hindi inaasahan na sira sa kanilang bahay, asahan mong si Daddy ang mag-aayos nito. Narito ang top 5 power tools na maaaring paglaanan ng pera upang mas mapabilis ang pag-aayos sa problema/sira sa bahay. Kumpara sa manual tools, hindi ka gaanong gagamit ng physical na lakas dahil mayroon na itong makinaryang magtatrabaho para sa’yo. Kadalasan, ang kailangan na lamang dito ay alalay at sapat na kaalaman kung paano ito gamitin.

Ang pagpapahalaga sa ganitong kagamitan ay kailangan paglaan ng pera. May mga pagkakataon na kung saan, may hindi tama sa pagkakagawa ng karpintero o di kaya naman ay may hindi inaasahan na pagkasira sa loob ng bahay. Malamang sa malamang, mas nanaisin natin ang manual sapagkat ito ay mas mura ngunit narito ang ilang mga benefits ng power tools upang maging klaro sa ating mga Daddy.



Bakit mas maganda magkaroon ng electric power tools:

1.) Better Performance - Alam naman natin na isa sa pinagkaiba nilang dalawa ay ang pagkakaroon ng added power kumpara sa manual tools. Parehas sila ng maaaring kalabasan, ngunit mas kakailanganin mo nga lang nang kaunting effort at energy sa electric power tool.

2.) Speed and Efficiency - Yes mga Daddy, hindi nga lang nito kayang magbigay ng mas magandang resulta. Mas nakakatipid din ito sa oras na paglalaanan mo sapagkat ang machine sa loob ng kagamitan ang magtatrabaho para sa’yo. Tamang alalay at bantay na lang sa paggamit nito.

3.) Precision and Accuracy -  Kung sukat din lang naman ang pag-uusapan, mas mainam din gamitin ang electric power tool. Halimbawa, kailangan mo magbutas ng dingding: kung simpleng martilyo lang ang gagamitin, maaaring tumabingi ang pako dahil sa tigas ng semento. Kung ito ay isang nail gun, isang pihit mo lang at asahan mong isang straight na nakabaon ang pako.

4.) Convenience - Isa rin sa pinagkaiba ng electric tool at manual ay kakailanganin ng kuryente ang kagamitan na ito bago mapagana samantalang ang electric tool naman ay hindi na kailangan. Ngunit, sa bawat kagamitan ay may mga natatanging sukat ang kailangan. Kung ikaw ay fan ng manual tools, kakailanganin mong magdalda ng sandamakmak na kagamitan ng may iba’t ibang sukat pero kung ikaw ay fan ng electric power tools, alam mong mas convenient ito sapagkat isang adjust at isang ikot mo lang, tama na ito sa sukat mo.

Categories of power tools needed in household:

Narito naman ang iba’t ibang categories na maaaring pagpilian ng ating mga daddy kung sakaling matipuhan nilang maglaan ng budget para sa electric power tool. Gaya nga sa sinasabi sa taas, marapat dapat lang na may ilang tayong kagamitan sa ating bahay para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa ating bahay.

1.) Drills 

2.) Saws

3.) Sanders

4.) Grinders

5.) Oscillating and rotary tools

6.) Woodworking power tools (lathes, planers)

7.) Concrete power tools

8.) Compressors and accessories



Top 5 electric power tools: 

  1. Nail gun and air compressor - (Brand: DeWALT / Pesos Price: 17,000)



    Ito ay maituturing natin na “Combo kit”, sapagkat kailangan nila ang isa’t isa upang maging maayos ang paggawa ng isa pang kagamitan. Ang makikita sa larawan na parang baril ay ang nail gun at ang parang vacuum cleaner naman ay ang air compressor. Pinagdudugtong sila ng isang “air hose” na kung saan dadaloy ang power mula air compressor patungo sa nail gun upang mas maibaon ng maayos ang pako. Mas mainam itong gamitin dahil isang kalabit mo lang nakabaon na ang pako, at hindi na kailangan pukpukin .


    Halimba, nais mong lagyan ng bakod ang bagong gawa nyong bahay upang malimitahan mo ang iyong sarili sa paggamit ng sarili mong lupa. Maaari mong gamitin ang Nail gun and air compressor sa paggawa ng bakod, mas madali itong matatapos sapagkat isang pitik mo lang ay babaon na agad ang pako. Tandaan, ang paggawa ng bakod ay kakailangan ng madaming pako. 


Order here:
https://www.amazon.com/DEWALT-DWC1KIT-B-Nailer-Compressor-Combo/dp/B00LIW1SU0


  1. Chop Saw - (Brand: LOTUS / Philippine Price: 13,779)


    Ang chop saw o "miter saw" ay isang de-kuryenteng kagamitan na kadalasan ay ginagamit sa mga woodworking. Madalas itong gamitin upang makapag-woodcut ng iba't ibang hugis at sukat na kailangan. Tandaan din, na kailangan mong basahin ang manual upang matutunan ang dapat na paggamit nito sapagkat ito'y lubos na delikado.


    Situation:
    Kung mahilig kang magdesign ng iyong bahay, maaaring makatulong ito sapagkat isa sa mga function nito ay ang ang pumutol ng kahoy nang ayon sa nais mong sukat at hugis. Pwede din itong makatulong sayo kung ika’y nasiraan ng upuan/lamesa. Alamin mo lang ang tamang sukat at palitan ng katulad na material.

    Order here:
    https://www.lazada.com.ph/products/lotus-miter-mitre-saw-1800w-12-inches-dual-bevel-with-sliding-rail-ltcm12cx-authentic-buildmate-lpt-lutos-i3124692501-s15476978350.html?clickTrackInfo=undefined&search=1&spm=a2o4l.searchlist.list.i40.416759a7YVngE6


  2. Angle Grinder  - (Brand: Mailtank / Philippine Price: 649)



    Ang angle grinder, ay kilala rin bilang side grinder or disc grinder. Tinawag itong disc grinder, kasi base sa larawan makikita mo para syang bilog na disc na kung saan matalas ang pa-ikot nito. Isa itong handheld powertool na madalas gamitin sa grinding at polishing ng kahoy/metal. 

    Kung may kinakalawang na sa iyong bahay at bilang Ama, mas nanaisin mo na agad na gawan ng action hangga’t di pa kumakalat ang kalawang sa buong bakal. Maaari mong gamitin ang angle grinder just to cut, yung specific place na may kalawang.

    Order here:
    https://www.lazada.com.ph/products/mailtank-sh-05-4-angle-grinder-600w-and-rubber-palm-hand-protector-gigatools-i212449583-s273063967.html?clickTrackInfo=undefined&search=1&spm=a2o4l.searchlist.list.i40.79f17f95MfTwwI


  3. Electric Drill - (Brand: Mailtank / Philippine Price: 600)



    Ang electric drill ay isang electric power tool na kung saan may iba't ibang sukat na pambutas depende sa kailangan mo. Ang layunin ng kagamitan na ito ay bumutas. Kadalasan itong ginagamit sa mga dingding , pinto at upuan. Makakatulong ito sapagkat hindi mo na kakailangan pumukpok nang pumukpok kung meron namang kagamitang isang pindot at tamang alalay lang ang kailangan, mabubutas mo na. 

    Situation:
    Kung nagkaroon ng lindol sa inyo at naglaglagan ang mga picture, diplomas na nasa dingding nyo. Maaari nyo itong gamitin upang bumutas ng panibago at mailagay ang mga picture n’yo bilang palamuti sa iyong tahanan.

    Order here:
    https://www.lazada.com.ph/products/mailtank-electric-drill-10mm-500w-sh30-580w-sh192-sold-per-piece-buildmate-i297574257-s505074595.html?clickTrackInfo=undefined&search=1&spm=a2o4l.searchlist.list.i40.599873ffWKVJuI



5.)Power Sander - (Brand - DeWALT / Philippine Price - 3950)
Ang Power sander - may pagkakatulad ito sa angle grinder, hindi ito puwedeng ipamputol ng metal o kahoy. Ang pinaka-focus lamang ng electric power tool na ito ay ang pagpapakinis ng texture ng kahoy or metal.

Situation: Kung ang pamilya nyo ay mas mahilig sa mga kahoy na furniture at nabalakan ni daddy gumawa ng lamesa, maaari nyang gamitin ang power sander upang linisin ang mga sobra sobrang pirasong ng kahoy sa lamesa. Upang sa ganon ay mas maayos at comfortable nyo itong gamitin sapagkat maayos ang pakiramdam sa balat ng katawan.


Order here:
https://www.goldtoolsmanila.com/shop/dewalt/sanders-dewalt/d26441-finishing-orbital-palm-sander




Bilang Daddy sa isang pamilya, marahil ay marami kang responsibilidad na nakapatong sa iyong balikat. Isa na dyan ay ang bigyan sila ng comfortable na matitirhan. Kaya’t hindi masamang maglaan ng pera upang bumili ng mga gamit na maaari mong gamitin sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Ano man ang mangyari sa mundo, ang pamilya mo ay sayo lamang tatakbo lalo’t na kung problema sa bahay ang pinag-uusapan dito.

Kaya sa mga ka-KomuniDAD natin dyan, bumili na kayo upang hindi na kayo maabala ng mga unexpected things na ganap sa ating kabahayanan. Basta paalala, sa paggamit nito ay kailangan na may sapat kang kaalaman at pag-iingat.




Reference:
https://www.seattletimes.com/explore/at-home/the-10-essential-power-tools-for-home-upkeep-improvement-and-diy-projects/

https://www.aboutmechanics.com/what-is-a-pneumatic-nail-gun.htm#:~:text=A%20pneumatic%20nail%20gun%20is,mechanism%20driven%20by%20compressed%20air.

https://www.familyhandyman.com/article/what-is-a-chop-saw/

https://www.acehardware.com/departments/tools/power-tools/angle-grinders

https://www.thespruce.com/how-to-use-a-power-drill-1825112

https://www.britannica.com/technology/sander