Post Workout Tips Para sa Health-Conscious Dads

Joanna Marie Santos

March 12, 2023

article image

Mahalaga ang exercise sa kalusugan, ngunit mahalaga din ang mga gagawin mo pagkatapos nito. Bukod sa muscle gain at weightloss, nakakatulong din ang post-workout activities sa pagbawas ng muscle soreness, pag maintain ng energy, at pagpapabilis ng recovery. Kaya kung nais mong i-maximize ang iyong gains, basahin na ang article na ito para sa mga post workout activities na kailangan mo gawin.

 

1. Cool-down

Cool-downs are as important as warm-ups dahil nakakatulong ito sa:

·         Pagpapababa ng heart rate

·         Reduces the lactate in blood to speed up recovery

·         Pag iwas sa dizziness at lightheadedness

·         Stress relief

·         Prevents muscle soreness and injuries

To cool down, pick a low-intensity activity similar to your workout. Halimbawa:

·         Maglakad ng mabagal sa loob ng 5-10 minutes pagkatapos mag brisk walking o jogging

·         Light pedaling pagkatapos ng cycling

·         Dynamic stretching pagkatapos ng weight lifting routine

·         Yoga

·         etc

 

2. Stay hydrated

Depending on the activity, physical activities will have you lose many liquids in your body. Ugaliing uminom ng tubig o ibang healthy drinks tulad ng buko juice o protein shakes para mabawi ang mga nawalang liquids. Maari ring uminom ng low-sugar sports drinks na mataas sa electrolytes tulad ng Gatorade o Powerade.

Maraming uri ng drinks ang pwedeng inumin pagkatapos ng workout ngunit kailangan mong iwasan ang mga high sugar, overly caffeinated, at alcoholic drinks

Staying hydrated after an intense workout will not only rehydrate your body, but it will also improve muscle flexibility, strength, and prevents muscle soreness.

 

3. Eat a healthy snack

Ugaliing kumain ng healthy snacks o meals 45 minutes pagkatapos ng workout. Tumutulong ito sa pag-replenish ng energy na kailangan ng katawan para sa mas mabilis na recovery.

Kumain ng mga pagkain na may healthy carbohydrates at protein. Ang carbohydrates ay nagbibigay ng enerhiya na tutulong sap ag recharge ng energy. Ang protina naman ay nakakatulong sa muscle recovery at nagbibigay ito ng amino acids na tumutulong sa muscle repair at muscle growth.

Maaring kumain ng mga sumusunod:

·         Saging

·         Hard-boiled egg

·         Yogurt

·         Protein bars

·         Peanut butter sandwich

·         Fruit smoothie

·         Salad

·         Etc.

 

4. WAG HIHIGA AGAD

Madalas nating naririnig sa mga nakatatanda na huwag hihiga pagkatapos gumawa ng isang nakakapagod na activity. Ito ay dahil sa patataasin nito ang risk na mahimatay ka dahil maiiwan ang dugo mo sa iyong extremities at di ito dadaloy ng maayos patungo sa iyong utak.

Kaya iwasan ang pag higa pagkatapos mag workout. Ugaliing tumayo muna at maglakad lakad ng panandalian bago umupo at humiga.

 

5. Eat Protein

Protein supports muscle recovery and growth. Kapag consistent ka sa pag eehersisyo, kailangan mong kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina tulad ng:

·         Eggs

·         Yogurt

·         Milk

·         Fish

·         Chicken

·         Lean meats

·         Cheese

·         Whey protein

·         Nuts and seeds

·         Protein bars

 

6. Eat healthy carbs

Throughout your fitness journey, you will need a steady source of healthy carbohydrates to sustain activities before, during, and after workouts. Ito ang ilan sa mga healthy carbs na pwede mong kainin:

·         Kamote

·         Oatmeal

·         Brown rice

·         Whole wheat pasta

·         Potatoes

·         Whole wheat bread

·         Etc.

Pero kailangan natin tandaan na hindi lahat ng carbs ay mabuti sa katawan kapag sumobra. Ang madalas na pagkain high sugar carbohydrate food tulad cake, ice cream, cookies, white bread, etc ay may napakataas na calorie content at hindi makakatulong sa iyong fitness journey.

 

7. Consider Taking Supplements

Bukod sa pagkain ng protein rich food, maaari ka ring uminom ng mga workout supplements na makakatulong sa muscle growth at recovery. Ito ang ilan sa mga supplements na pwedeng makatulong:

·         Creatine

·         Whey protein

·         Beta-alanine

·         Branched-chain amino acids (BCAAs)

·         etc

 

8. Rest

Kahit gaano ka-intense ang workout at diet mo, hindi ito magiging effective kung kulang ka sa pahinga. Rest allows your body to repair damaged tissues and muscles from the stresses caused by exercises. Tumutulong din ito sa restoration ng energy sa katawan at pag-improve ng performance. Para magkaroon ng maayos na pahinga, ugaliing matulog ng at least 8 hours a day.

Kapag lagging overworked ang iong katawan, mas mataas ang risk na magkaroon ka ng strains, fatigue, at iba pang injuries.

Laging tandaan, hindi buo ang fitness journey mo kung kulang ka sa pahinga.

 

9. Take a Cool Shower

Pagkatapos mag cool down at mag pahinga maaari kang maligo gamit ang malamig na tubig. Ang cold baths, cold showers, o ice bath ay nakakatulong sa recovery, pag iwas sa inflammation, at pag ease ng muscle tension. Bukod dito, nakakatulong din ito sa pagtulog.

 

10. Massage

Ang mga post workout massage ay makakatulong sa iyong recovery. Ang mga massage ay nakakatulong sap ag improve ng blood flow, pag assist sa healing ng mga damaged tissues, at sa pagkakaroon ng maayos na tulog. Maganda rin itong bonding activity kasama ang iyong misis.

 

Conclusion

Your workout activities do not end with the last rep. Ang mga post-workout activities na ito ay makakatulong sayo sa recovery, muscle growth, energy replenishment, at pag iwas sa injuries.