Can Anxiety give you Erectile Dysfunction before age 30?

Admin

September 3, 2022

article image

Samu't saring uri ng problema ang bumabagabag sa mga Dads ngayong panahon. Nariyan ang COVID-19, inflation, mga responsibilidad sa pamilya, at stress sa trabaho. Kapag nagpatong-patong ang mga ito, maaaring tayong magkaroon ng anxiety na pwedeng magdulot ng erectile dysfunction.

Don't worry, Dads. Sagot namin kayo dahil ipapaliwanag namin ang anxiety, erectile dysfunction, at mga paraan para maiwasan ang mga ito.

 

What is anxiety?

 


Ayon sa Merriam-Webster, ang anxiety ay "apprehensive uneasiness or nervousness usually over an impending or anticipated ill." Ang mga taong may anxiety ay laging nangangamba, nininerbyos, o natatakot sa mga bagay na pwedeng mangyari.


Natural na makaramdam ng anxiety ang isang tao ngunit pwede rin itong maging mental condition na nakakasagabal sa iyong pang araw araw na buhay. Ang taong may anxiety disorder ay mas madalas magkaroon ng takot, nervousness, panic, at mga physical symptoms tulad ng pagpapawis at mabilis na heart rate.

Matinding stress at trauma ang kadalasang sanhi ng anxiety disorder. Ngunit pwede rin itong maging linked sa heart disease, diabetes, drug abuse, withdrawal, at iba pang mga condition.

Pwedeng lumala ito at magdulot ng mga complications tulad ng depression, substance abuse, inomnia, digestive problem, headaches, social isolation, hirap makakilos sa araw-araw at suicide.

Bukod sa mga ito, pwede ring maapektuhan ng anxiety at stress ang iyong sex drive. Kapag meron kang stress at anxiety, madalas maging preoccupied ang iyong isip sa mga problema. Maapektuhan nito ang iyong arousal, at maaaring magbunga ng erectile dysfunction.

 

Ano ang erectile dysfunction?

 

 

Ang erectile dysfunction (ED) ay isang karamdaman kung saan nahihirapan or hindi kaya ng lalaki na magkaroon ng erection. Dahil dito, pwedeng mas lumala ang anxiety mo dahil sa dagdag na stress na nakakaapekto sa relasyon ninyo ni misis. 

Ayon sa Healthy Male, ang mga lalaking nasa edad 30 pababa ang pinaka apektado ng erectile dysfunction na dulot ng anxiety at stress.

Dahil dito, maapektuhan ng ED ang relasyon sexual relations and intimacy ng iyong partner.

 

Paano maiiwasang magkaroon ng erectile dysfunction para sa mga nasa edad 30 pababa?

 

Para mabigyan ng lunas ang problema na ito, kailangan natin alamin ano ang mga kailangan gawin para maalis ang anxiety at ED. Ang kagandahan dito, ay maraming pwedeng maging solusyon sa kanila.

Have a Healthy Diet. Ayon sa Harvard Health Publishing, maaaring may kinalaman ang anxiety at kakulangan ng antioxidants sa katawan. Para makatulong sa anxiety at stress, kailangan mong magkaroon ng antioxidant rich diet. Ito ang ilan sa mga pagkain na pwede mong kainin:

  • Malunggay
  • Kamote
  • Prutas (Orange, Kalamansi, Dalandan, Mansanas, Pineapples)
  • Broccoli
  • Carrots
  • Patatas
  • Repolyo


Para masolusyonan ang ED, kailangan mong kumain ng whole-grain foods, lean meats, prutas, gulay, at iwasan ang mga pagkain na mataas ang fat at sodium.


Regular Exercise. Bukod sa pagkain ng maayos, kailangan mo rin maging physically active para mabawasan ang stress, gumanda ang mood, at maging mas confident. Start slow and unti-unting taasan ang intensity at amount ng activities upang maging consisten ang routine.


Makakatulong din ang regular exercise sa pag-maintain ng healthy weight at pag-iwas sa mga sakit na pwedeng makapag dulot ng ED tulad ng diabetes, high blood, at sakit sa puso.


Avoiding Alcohol and Recreational Drugs. Hindi solusyon sa problema ang pag-abuso ng alak at paggamit ng illegal recreational drugs. Matatanggal man panandalian sa isip mo ang problema pero hindi pa rin mawawala ang mga problema mo at mas lalala lang ang iyong anxiety at stress. Kung hindi kayang tumigil, maari kang humingi ng tulong sa doctor at iba pang mga propesyonal.


Quit Smoking. Ayon sa NHS, maraming naniniwala na pampabawas ng stress ang paninigarilyo ngunit mali ito. Ang paninigarilyo ay mas nakakataas ng anxiety at tension. Pinapataas din nito ang risk na magkaroon ka ng depression, cancer, at iba pang malubhang sakit na dadagdag sa stress at anxiety mo.


Get Enough Sleep. Lumalala ang stress at anxiety kung kulang ka sa pahinga. Bukod dito, sanhi din ng poorer blood circulation at ED ang kakulangan sa tulog. Ugaliing matulog ng 8 hours para magkaroon ng sapat na pahinga.

 

  • Kung nahihirapan ka matulog, subukan ang mga bagay na ito:
  • Regular exercise
  • Iwasang matulog ng gutom
  • Huwag kumain o uminom ng mga pampagising tulad ng kape bago matulog
  • Meditation
  • Bawasan ang screentime sa gabi
  • Kumunsulta sa doctor kung nahihirapan parin matulog kahit ginawa na ang mga bagay na ito

 

Use Stress Management and Relaxation Techniques. Ang mga activities tulad ng visualization, yoga, at meditation ay pwedeng makatulong sa pagbabawas ng stress at anxiety. Makatulong din ito sa pag rerelax ng isip na nakakatulong din sa arousal at pag iwas sa ED.

Socialize. Mahirap sarilihin ang problema sa buhay. Ugaliing makipag-usap sa iyong partner, mga kapamilya, kaibigan, kasamahan sa relihiyon, at mga professional para makatulong sa pag-alis ng stress at anxiety. Puwede rin sila makatulong sa iyong mga problema kaya wag ugaliing itago ang mga ito.

Medical Treatments. Kung ikaw ay diagnosed ng anxiety disorder, nararapat lang na sundin ang mga prescription ng iyong psychiatrist at therapist. Puwedeng kasama sa prescribed treatments ang psychotherapy, group therapy, at iba ibang medications na tutulong sa iyong anxiety at ED.

Dads, naiintindihan namin na mabigat ang mga pinagdadaanan ninyo. Pero kailangan nating isaisip na maaapektuhan din ang ating pamilya kung tayo ay patuloy na kakainin ng stress at anxiety. Kailangan natin tanggapin na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay sa mundo, kaya mas magandang magfocus sa mga bagay na kaya nating kontrolin tulad ng ating health and wellness. Ang pagtanggap natin dito ang unang hakbang sa pagbabawas ng stress, anxiety, at sa risk ng ED.



Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anxiety/symptoms-causes/syc-20350961
https://www.healthymale.org.au/news/how-do-stress-and-anxiety-affect-sexual-performance-and-erectile-dysfunction#:~:text=Men%20of%20all%20ages%20may,dysfunction%20is%20generally%20short%2Dlived.
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/symptoms-causes/syc-20355776
https://psa.gov.ph/vital-statistics/id/163858
https://www.medicalnewstoday.com/articles/how-to-deal-with-ed-in-a-marriage#:~:text=According%20to%20a%202016%20review,place%20strain%20on%20a%20relationship.
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anxiety/diagnosis-treatment/drc-20350967
https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/erectile-dysfunction/prevention
https://www.health.harvard.edu/blog/nutritional-strategies-to-ease-anxiety-201604139441#:~:text=Anxiety%20is%20thought%20to%20be,herbs%2C%20beverages%2C%20and%20supplements.
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/sleep/art-20048379