5 Easy New Year’s Resolutions That Will Upgrade Your Life

Admin

January 16, 2023

article image

Bagong taon na kaya kailangan din ng mga magandang New Year’s Resolutions para bigyan ng updgrade ang buhay mo. Napakadami ng pwede mong gawing resolutions pero narito ang 5 sa mga pinakasimpleng resolutions na pwede mong simulan.

 

1.       Spend More Time with Family

Una sa ating listahan ay ang pagkakaroon ng mas madaming bonding time kasama ang iyong pamilya. May mga pag aaral na nagpapakita na ang pagkakaroon ng madaming bonding time kasama ang pamilya ay nakakatulong sa pagbawas ng stress, anxiety, at pagpapataas ng motivation. Ultimately, nagdudulot din ito ng healthier lifestyle, mental health, at nakakapagpahaba ng buhay.

Bukod sa mga ito, ang pagkakaroon ng oras sa pamilya ay nakakatulong din sa pagpapalalim ng relasyon sa iyong asawa at sa development ng inyong mga anak.

 

2.       Strive for Work-Life Balance

Kasipagan ang isa sa mga susi para sa isang successful career. Ngunit kung puro trabaho lang ang inaatupag mo, madali kang makakaranas ng burnout at mawawalan ka ng motivation sa work, family, at iba pang mga bagay.

Matutong magdevelop ng work-life balance para iwas stress at maging mas healthy at productive.

 

3.       Maintain a Healthy Diet

Napakaimportante ng healthy diet para sa ating kalusugan. Sa panahon na naglilipana ang mga junk food at fast food, madali tayong makakalimot na mag binge eating. Pero ngayong 2023, kailangan natin maging mas disiplinado pag dating sa pagkain. 

Para magkaroon ng healthy diet, ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain at inumin tulad ng gulay, prutas, complex carbs, at protein. Lagi ring tandaan na kumain ng tamang amount ng calories dahil mabilis na nakakapag pataba ang lagging pagkain ng excess calories.

Over time, makakakita ka ng magandang improvements sa iyong kalusugan at magiging mas masigla ka, mas gaganda ang mood mo, at mas hahaba ang buhay mo.

Bukod sa mga personal benefits, matuturuan mo din ang iyong mga anak na magdevelop ng healthy habits.

 

4.       Exercise Regularly

Pag nagging Ama ka na, mahirap nang humanap ng oras para maging physically active. Sa trabaho palang ubos na agad ang 8 hours ng isang araw natin, pag uwi magiging busy pa tayo sa bonding time at pag aalaga sa ating mga anak. Dahil dito madalas nating napapabayaan ang ating katawan.

Pero hindi kailangan mag exercise ng ilang oras para maging physically active. Sapat na ang 15-30 minutes na exercise sa umaga o sa free time mo para maging physically active. Ito ang ilan sa mga quick and easy exercises na pwede mong simulan at i-maintain ngayong taon:

·         HIIT

·         Calisthenics

·         Walking

·         Cycling

·         Jogging

Ang pagiging physically active ay nakakatulong sa pag improve ng brain health, weight management, pagpapalakas ng muscle at buto, pagpapababa ng risk ng mga sakit, at nagpapaganda ng everyday performance. Ang bonus pa dito ay magkakaroon ka ng performance improvement sa private time niyo ni misis 😉

 

5.       Explore New Hobbies

Sawa ka na ba mag binge watch o mag laro ng video games? Oras na para mag explore ng mga bagong hobbies ngayong 2023. Ayon sa research, may mga magandang benefits ang pagkakaroon ng hobbies tulad ng reduced stress, enhanced well-being, reduced chances of developing depression and anxiety, at improved mental health. 

Ito ang ilan sa mga magagandang hobbies na pwede mong simulan:

·         Cycling

·         Motorcycle

·         Writing/Blogging

·         Reading

·         Leathercrafting

·         Scale modeling

·         Cooking/Baking

·         Gardening

·         Photography

·         Dancing

·         Music

·         Chess

Marami ka ring matututunan sa pagkakaroon ng hobby tulad ng time management, patience, budgeting, concentration, at iba pa. Maganda rin itong gawing bonding activity with your family.

 

 

 

Smart Tips to Stick to Your New Year’s Resolutions

Tradition nang gumawa ng New Year’s Resolution tuwing pumapasok ang bagong taon. Ngunit marami ang nahihirapan sa pagtupad nito pagkatapos ng ilang araw, lingo, o buwan. Narito ang ilan sa aming suggestions para magawa mo ang mga new year’s resolutions mo:

 

1.       Keep your goals SMART

Mahirap tupadin ang goals and resolutions mo pag broad, unmeasurable, at unrealistic ang mga ito. Para makasigurado na mas mataas ang chance na matupad mo sila, kailangan mong magkaroon ng SMART goals.

SMART stands for Specific, Measurable, Attainable, Relevant, and Time-based goals. Ang pagkakaroon ng SMART goals ay nakakatulong para maabot at masukat ang mga short- and long-term goals mo. Matutulungan ka rin nito magkaroon ng realistic goals at expectations. 

Kung hindi ka magiging smart sa goals mo, madali kang malilito, magiging frustrated, at mawawalan ng gana na ituloy ang resolutions mo.

 

2.       Give yourself a leeway

Hindi porke’t hindi mo nagawa ang resolution mo sa isang araw, ibig sabihin nun pumalpak ka na. May mga oras na hindi applicable o magagawa sa sitwasyon ang resolutions mo kaya wag mag dusa o malungkot.

Bigyan mo ng leeway ang sarili mo na magkamali o hindi gawin ang resolution mo for a time. Halimbawa, pwede mong ipagpaliban muna ang strict diet mo kapag may mga importanteng salu-salo o okasyon. 

Ang mahalaga ay makabalik ka agad sa dati pagkatapos.

 

3.       Celebrate wins, even small ones

Syempre, kailangan mo ring kilalanin ang mga success mo. Sabi nga sa SMART goals, kailangang measurable ang resolutions/goals mo at kung nakita mong naabot mo ang short term or long-term goals mo, dapat mo itong ikatuwa.

Pat yourself on the back, ika nga.

Pag kinikilala mo ang improvements at successes mo, mas magiging motivated ka na tumuloy sa iyong resolution.